How can an education become an obstacle for one’s learning?
(Paano nagiging hadlang ang edukasyon sa pag-aaral ng isang tao?)
– Naisip ko, siguro kung malaya lang akong mag-desisyon kung kailan ako papasok sa eskuwelahan at kung ayaw ko, baka marami na akong naabot na mga pangarap ko. Iyong gusto mong magtrabaho o mag-negosyo pero hindi maaari dahil wala ka pang 18. Ang daming hindi mo magagawa kasi nga dapat ay nasa paaralan ka at nag-aaral. Imbes na makakatapos ka ng isang chapter sa sinusulat mong libro, nando’n ka at gumagawa ng homeworks. Nakakawalang gana ang maging estudyante. Kaya sinubukan kong huwag na lang pumasok minsan para sa mga personal dreams ko pero sa huli ay napagtanto ko na sa paaralan pala nabuo ang mga dreams na iyon ko at kung titigil ako sa pag-aaral, mawawasak ang mga pangarap na nabuo. Walang ibang option kundi hintayin ang graduation. Kawawang buhay. 😦